SALAMIN NG BUHAY

SALAMIN NG BUHAY

Huwebes, Marso 10, 2011

Ako at Ang Mga Kaibigan ko

      Ang kaibigan para sa akin ay isang taong maaring sandigan sa tuwing dumarating ang pagsubok maliban sa aking magulang, ang kaibigan ang  siyang  taong pupuna sa aking kamalian, pupuri sa aking kabutihan. Gyundin ang taong magiging kakampi ko maging ako man ay mali o tama .
      Sa aking mga kaibigan, maraming salamat sa lahat ng oras ng kasiyahan, kalungkutan na inyong ibinahagi sa aking buhay. Salamat sa mga panahong akoy bigo nariyan kayo upang ako ay damayan, tulungan at higit sa lahat upang akoy hawakan. Sana saan man tayo ipadpad ng panahon mananatili pa rin sa ating mga puso ang tunay na diwa ng ating masayang BARKADAHAN
  1.    

One of My Favorite Song

Saan Na Nga Ba'ng Barkada

Nagsimula ang lahat sa eskwela
Nagsama-samang labing-dal'wa
Sa kalokohan at sa tuksuhan
Hindi maawat sa isa't-isa

Madalas ang stambay sa cafeteria
Isang barkada na kay saya
Laging may hawak-hawak na gitara
Konting udyok lamang kakanta na

Kay simple lamang ng buhay non
Walang mabibigat na suliranin
Problema lamang laging kulang ang datung
Saan na napunta ang panahon?

Saan na nga ba, saan na nga ba?
Saan na napunta ang panahon
Saan na nga ba, saan na nga ba
Saan na napunta ang panahon?

Sa unang ligaw kayo'y magkasama
Magkasabwat sa pambobola
Walang sikreto kayong tinatago
O kay sarap ng samahang barkada

Nagkawatakan na sa kolehiyo
Kanya-kanya na ang lakaran
Kahit minsanan na lang kung magkita
Pagkakaibiga'y hindi nawala

At kung saan na napadpad ang ilan
Sa dating eskwela meron ding naiwan
Meron pa ngang mga ilang nawala na lang
Nakaka-miss ang dating samahan

Saan na nga ba, san na nga ba
Saan na nga ba'ng barkada ngayon?
Saan na nga ba, saan na nga ba
Saan na nga ba'ng barkada ngayon?

Ilang taon din ang nakalipas
Bawat isa sa amin, tatay na
Nagsusumikap upang yumaman
At guminhawang kinabukasan

Paminsan-minsan kami'y nagkikita
Mga naiwan at natira
At gaya nung araw namin sa eskwela
Pag magkasama ay nagwawala

Napakahirap malimutan
Ang saya ng aming samahan
Kahit lumipas na ang ilang taon
Magkakabarkada pa rin ngayon

Magkaibigan, magkaibigan
Magkaibigan pa rin ngayon
Magkaibigan, magkaibigan
Magkabarkada pa rin ngayon